^

PSN Palaro

Lady Altas hiniya ang Lady Pirates

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas hiniya ang   Lady Pirates
Blangka ang inabot ni Mikaela Wanta (9) ng Lady Pirates sa depensa nina Shyra Umandal (12) at Jowie Versoza (6) ng Lady Altas sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament.

MANILA, Philippines — Pinataob ng University of Perpetual Help System Dalta ang Lyceum of the Philippines, 17-25, 25-21, 25-17, 25-12 para hablutin ang ikalawang panalo sa NCAA Season 94 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtulung-tulong sina Cindy Imbo, Shyra Umandal at Jowie Albert Verzosa para buhatin ang Lady Altas sa 2-2 baraha.

Nagsumite si Imbo ng 16 puntos tampok ang 15 attacks kasama pa ang 14 digs at siyam na receptions habang nagdagdag naman si Umandal ng 14 hits mula sa walong attacks, tatlong aces at tatlong blocks.

Nakalikom naman si Verzosa ng 12 puntos para dominahin ng Lady Altas ang laro bunsod ng nakolekta nitong 42 attacks at 10 aces sa larong tumagal ng isa’t kalahating oras.

Nasayang ang 20 puntos na produksiyon ni Ale­xandra Rafael at 13 hits ni Rocely Hongria para sa Lady Pirates na bumagsak sa 1-3 marka.

Sumalo sa selebrasyon ang Jose Rizal University na nagtala ng pahirapang 24-26, 25-20, 20-25, 25-16, 15-9 panalo laban sa Mapua University.

Nagpakawala si Dolly Verzosa ng 20 hits para sa Lady Bombers na umakyat sa parehong 2-2 marka.

Nakakuha ito ng solidong tulong mula kay Rizza Rose na umani ng 14 puntos gayundin kina Karen Montojo na may 12 puntos at May Ruiz na pumalo ng 11 puntos.

Nanguna sa panig ng Lady Cardinals sina Angelie Marie Mangundayao, Andrea Morano at Jonina Fernandez na may pinagsama-samang 36 puntos.

Subalit hindi ito sapat para tuluyang mahulog ang Mapua sa ikaapat na sunod na kabiguan.

NCAA SEASON 94 WO­MEN’S VOLLEYBALL

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with