Akhuetie itotodo ang lakas sa game 2
MANILA, Philippines — Sa kabila ng natamong minor knee injury sa Game 1, handa na ang MVP na si Bright Akhuetie ng University of the Philippines Fighting Maroons na bumawi kontra sa Ateneo Blue Eagles bukas sa Game 2 ng best-of-three series ng Season 81 UAAP men’s Finals sa Smart Araneta Coliseum.
“I'll be back in time for game 2 #16Strong #UPFIGHT,” sabi ng 6’6 Nigerian center na si Akhuetie sa kanyang post sa Twitter account, @bright_bigtinzz.
Bagama’t pinayagan ng kanyang doctor na makapaglaro si Akhuetie matapos ang masusuing pagsusuri, inilagay pa rin ni UP coach Bo Perasol ang UP big man sa tinatawag na “game time decision.”
Inaasahan ding opisyal na tatanggapin ni dating Perpetual Help Altas center na si Akhuetie ang MVP trophy sa season na ito bago mag-umpisa ang laro bukas.
“We're assessing him on a day-to-day basis. Scheduled for therapy in the next couple of days. Game time decision. The doctor said no major injury,” ani UP coach Bo Perasol.
Inilabas sa laro sa pamamagitan ng stretcher si Akhuetie sa Game 1 noong Sabado matapos ang over-extended left knee dahil sa kaunting tulak ni Ateneo center Angelo Kouame mahigit 6:31 pa ang natitira sa ikatlong yugto.
Ngunit, bumalik siya sa laro mahigit pitong minuto pa ang natitira sa fourth period at tumapos ng 10 puntos, tatlong steals at limang rebounds sa kanilang 79-88 talo sa Ateneo para malubog sa 0-1 disadantage sa serye.
- Latest