Bataan aasinta ng panalo sa Bacoor
MANILA, Philippines — Target ng nangungunang Bataan Risers na palawakin sa 14 ang kanilang winning streak sa pagharap kontra sa Bacoor Strikers habang magtatagpo rin ang Pasay Voyagers at Pampanga Lanterns sa pagpapatuloy ngayon ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League Anta Cup sa Strike Gymnasium sa Bacoor, Cavite.
Haharapin ng Bataan ang Bacoor sa alas-9 ng gabi matapos ang laban ng Pasay at Pampanga sa alas-7 ng gabi.
Tangan ng Bataan ang pinakamataas na kartada sa 26-team home-and-away league sa kanilang 13-1 slate. Ang kanilang tanging talo ay sa mga kamay ng Manila Stars, 82-89 noong Hunyo 16 ngunit mula rito, rumatsada na ang tropa ni coach Lastimosa ng 13-0 streak sa Northern Division.
Sa kabnila ng kanilang pamamayagpag, ayaw ni coach Lastimosa na mag-relax ang koponan kaya pinaalalahanan niya ang buong tropa na huwag magkumpiyansya. (FC)
- Latest