^

PSN Palaro

Azkals umiskor sa Timor Leste para sa 2-0 baraha

Pilipino Star Ngayon

KUALA  LUMPUR -  Naiposte ng Philippines Azkals ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa 2018 AFF Suzuki Cup matapos takasan ang Timor Leste, 3-2, dito sa Kuala Lumpur Football Stadium.

Ang nasabing panalo ang nagtabla sa Azkals sa Thailand para sa liderato ng Group B.

Pinabagsak ng Thailand ang Indonesia, 4-2.

Sa pang-27 minuto ng first half ay isinalpak ni Phil Younghusband ang unang goal ng Azkals mula sa pa­sa ni Stephan Schrock.

Nakawala kay Timor Leste keeper Aderito Fernandes ang naturang bola sa kaliwang bahagi ng net.

Matapos ang anim na minuto ay umiskor naman si Martin Steuble buhat sa pasa ni Kevin Ingreso para sa 2-0 bentahe ng Pilipinas.

Lalo pang pinalobo ng Azkals ang kanilang ka­lamangan nang kumonek­ta si De Murga ng isang hea­der sa pang-68 minuto header.

Nakabawi naman ang Timor Leste sa huling 20 minuto galing sa dalawang goals nina Nathaniel Reis at Joao Pedro Da Silva Frei­tas para sa kanilang 2-3 agwat.

Susunod na lalabanan ng Azkals ang Thailand sa Nobyembre 21 sa Panaad Stadium sa Bacolod City.

vuukle comment

2018 AFF SUZUKI CUP

PHILIPPINES AZKALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with