Tamaraws susuwag ng playoff para sa Final 4
Laro Ngayon(MOA Arena, Pasay City)
2 p.m. – NU vs. UE
4 p.m. – FEU vs. Adamson
MANILA, Philippines — Hangad ng Far Easten University na makakuha ng playoff para sa huling Final Four berth sa kanilang pagharap kontra sa Adamson University sa huling araw ng elimination round ng Season 81 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Kailangan ng Tamaraws na makaulit sa Soaring Falcons sa kanilang bakbakan ngayong alas-4 ng hapon para ipursige ang three-way tie mula sa third spot hanggang sa fifth spot kasama ang UP Fighting Maroons at De La Salle Green Archers sa parehong 8-6 kartada matapos ang elimination round.
Haharapin naman ng NU Bulldogs (3-10) ang UE Red Warriors (1-12) sa alas-2 ng hapon para kumpletuhin ang kanilang elimination round assignments.
Kung mangyayari ang three-way tie ay mananatili pa rin ang Fighting Maroons sa ikatlong puwesto dahil sa superior quotient, habang ang Tamaraws at Green Archers ay maghaharap sa playoff sa Miyerkules para pag-agawan ang fourth slot sa semis.
Ang magwawagi ay lalaban sa top seed na Ateneo Blue Eagles (12-2) sa semifinal round.
Magtatagpo naman ang No. 2 seed na Falcons (10-3) at No. 3 Fighting Maroons (8-6).
Kapwa tangan ng Ateneo at Adamson ang ‘twice-to-beat’ advantage sa Final Four bilang top two teams matapos ang double round elimination.
- Latest