^

PSN Palaro

Blaze Spikers ‘di matinag sa liderato

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Blaze Spikers ‘di matinag sa liderato
Nagbida sa pagkakataong ito si outside hitter Ces Molina para buhatin ang Blaze Spikers sa ikalimang su­nod na arangkada at higit pang mapatatag ang kapit sa solong liderato.
Joey Mendoza/File

MANILA, Philippines — Napanatili ng Petron Blaze Spikers ang imakuladang record matapos pabagsakin ang Cignal HD Spikers sa bisa ng 25-22, 25-16, 25-19 desisyon kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Caloocan Sports Complex.

Nagbida sa pagkakataong ito si outside hitter Ces Molina para buhatin ang Blaze Spikers sa ikalimang su­nod na arangkada at higit pang mapatatag ang kapit sa solong liderato.

Tumapos si Molina na may 12 attacks, dalawang aces at isang block para sa Petron.

Nagbigay ng suporta si middle hitter Mika Reyes na gumawa ng 11 puntos galing sa pitong attacks at tigalawang blocks at aces sa larong tumagal lamang ng isang oras.

Nalaglag sa 3-3 rekord ang HD Spikers.

Sa unang laro, patuloy ang mainit na ratsada ng Generika-Ayala matapos payukuin ang Smart Giga Hitters, 25-19, 25-12, 25-15, para sumulong sa 3-3 baraha.

Nalimitahan sa anim na puntos si Grethcel Soltones sa panig ng Giga Hitters na nalaglag sa 2-3 marka.

Sa Collegiate Grand Slam, sinakmal ng University of Santo Tomas ang ikalawang sunod na panalo maka­raang igupo ang Far Eastern University, 25-16, 13-25, 25-17, 25-15.

PETRON BLAZE SPIKERS

PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with