Pinoy jins sisipa sa World Poomsae tilt
MANILA, Philippines — Hangad ng Philippine taekwondo team ang titulo sa kanilang pagsabak sa 2018 World Poomsae Championships sa Nobyembre 15-18 sa Taipei City, Chinese Taipei.
Mahigit 41 atletang Pilipino kabilang ang 24 lalake at 17 babae na sinusuportahan ng PLDT Home Ultera/MVP Sports Foundation ang sasabak sa nasabing prestihiyosong kumpetisyon.
Mapapalaban ang national team sa mga mabibigat na jins sa 79 bansa na kinabibilangan ng Korea, China, France, Spain, Iran, Turkey, Germany, Chinese Taipei at United States.
Kasama sa RP national team sina Jean Pierre Sabido, Ernesto Guzman Jr. Glenn Lava, Dustin Jacob Mella, Raphael Enrico Mella, Rodolfo Reyes Jr., Jeordan Dominguez, McAvynger Alob, Jerel Anthony Dalida, Mark Lorenz Balcita, Patrick King Perez, June Ninobla, Eulogio Rodriguez at Joel Lacsamana sa seniors male division.
Inaasahan din ang magandang kampanya sa female Seniors division mula kay Rinna Babanto, Juvenile Faye Crisostomo, Jocel Lyn Ninobla, Angelica Joyce Gaw, Janna Dominique Oliva, Clare Therese Gacon at Alileah Dulce Amor Perez.
Ang national team ay sasamahan ng mga opisyales na sina Tom Igor Mella (team head), Lee Minhaeng (foreign coach), Rani Ann Ortega, Edrick Jhaney Galing, Galilee Tinaya (coaches) at Glen Buenafe (team delegate).
Sa nakaraang international competitions, nag-uwi ang mga Filipino athletes ng 7 ginto, 5 pilak at 3 tanso sa ginanap na Asia Pacific Master Games at tig-isang pilak at tanso sa Korea Open Championships at 2 ginto sa World Taekwondo Hanmadang Championships at 3 bronze sa 18th Asian Games.
- Latest