Cosalan, Baon nagbulsa ng ginto sa IP Games
BENGUET -- Para kina Joy Cosalan at Regie Baon ng Barangay Labueg, hindi masyadong mahalaga para sa kanila ang premyong tatanggapin sa panalo sa 4th leg ng Indigenous Peoples Games.
“Masaya kasing nilalaro mo ulit 'yung mga larong kinalakihan mo eh,” sabi ng 31-anyos na si Cosalan, may dalawang anak at isang beautician, matapos manalo sa IP game na sanggol (open category) katambal si Baon kahapon sa Football Field ng Balakabak Elementary School sa Kapangan, Benguet.
Naglatag ang Philippine Sports Commisison ng cash incentive na P1,000 para sa gold medal winner at P800 at P500 para sa silver at bronze medalists habang sa team event ay tatanggap ang gold, silver at bronze medal winners ng P1,500, P1,300 at P800, ayon sa pagkakasunod.
Tinalo nina Cosalan at Baon para sa gold medal sina Abner Os-osa at Febralin Orden ng Brgy. Beleng-Belis.
Kumolekta rin ng gintong medalya sa nasabing three-day event siina Chris Bolistis, Jener Sagayo at Octavio Copere sa larong Dama para sa Brgy. Balakbak habang nanaig si Marfil Dip-as sa sidking aparador.
- Latest