Matinding paluan asahan sa PSL Collegiate Grand Slam
MANILA, Philippines — Asahan ang matinding paluan tampok ang matitikas na collegiate stars sa paglarga ng Philippine Superliga Collegiate Grand Slam sa Nobyembre 3.
Nangunguna sa listahan ng mga kalahok ang University of the Philippines na kamakailan lang ay nagkampeon sa Premier Volleybal League Season 2 Collegiate Conference.
Aariba rin ang Far Eastern University, University of Santo Tomas at University of the East na gaya ng UP ay naghahanda rin para sa UAAP Season 81 volleyball wars sa susunod na taon.
Susubukan ng De La Salle-Dasmariñas at Colegio San Agustin na makipagsabayan sa UAAP teams.
“My team is composed of very young rookie and veteran members. So, this tournament will help us get the exposure we need. I believe that my team will learn again how to deal with losses and wins every game. So to me, this tournament can help us grow, especially our young players,” ani UP head coach Godfrey Okumu.
Gagawaran ng liga ng all-expense paid international training ang magkakampeon sa Collegiate Grand Slam na maaaring gamitin sa kanilang paghahanda sa mga collegiate leagues.
Pinag-aaralan pa ng liga kung saan ipadadala ang magkakampeon at isa sa pinagpipilian ang Thailand.
- Latest