Philippines Lady Volcanoes nagpasiklab agad
MANILA, Philippines — Nagpasiklab agad ang Philippine Lady Volcanoes ng dalawang panalo upang pangunahan ang Pool B ng 2018 Asia Rugby Women’s Seven Trophy na ginaganap sa Panaga Club sa Seria, Brunei.
Binuksan ng Pinay Volcanoes ang kampanya sa 12-5 panalo kontra sa Uzbekistan at sinundan ng 31-0 demolisyon sa Pakistan para umangat sa leader board sa kanilang apat na puntos.
Sa kanilang panalo tangan ng Filipina team ang two-point edge laban sa second-running Uzbeks matapos magwagi ang dating Soviet Satellite nation laban sa India, 10-5.
Makakaharap ng Lady Volcanoes ang India sa susunod nilang laban at susundan ng pagtatagpo kontra sa Nepal tangan ang malaking pag-asa na umabante sa medal round ng naturang event.
Ang torneo ay isang qualifier para sa top-flight sa Asia Rugby Women’s Seven Series sa susunod na taon.
Umiskor si Sylvia Tudoc para umpisahan ang arangkada ng Lady Volcanoes’ laban sa Uzbekistan sa fourth minute ng second half.
Dinagdagan ni Aiumi Ono ng dalawang extra points para lumayo sa 12-5 iskor.
- Latest