^

PSN Palaro

Tagle at Oun nakapasok sa quarters sa YOG

Pilipino Star Ngayon
Tagle at Oun nakapasok sa quarters sa YOG
Tinakasan nina Tagle at Oun ang lower-ranked duo nina Isabela Bassi ng Chile at Ravien Dalpatadu ng Sri Lanka sa shoot off, 5-4.

BUENOS AIRES -- Nagpalakas ng tsansa sa me­dalya si Filipina archer Nicole Tagle matapos umabante sa quarterfinal round katambal si Hendrik Oun ng Estonia sa mixed international team event ng 2018 Youth Olympic Games dito.

Tinakasan nina Tagle at Oun ang lower-ranked duo nina Isabela Bassi ng Chile at Ravien Dalpatadu ng Sri Lanka sa shoot off, 5-4.

Makakasagupa nina Tagle at Oun sa quarterfinals si­na Alyssia Tromans-Ansell ng Great Britain at Reza Sha­bani ng Iran.

“To advance, we have to be consistent again in the next round,’’ wika ni Tagle, nag­tala ng pinagsamang iskor na 19 points ka­tu­long si Oun laban sa 17 points nina Bassi at Dalpatadu sa shoot off.

Hangad ng archer mula sa Dumaguete City na ma­dup­lika ang ginawa ni Gab Mo­reno, ang unang Filipino na nag-uwi ng gold medal sa Youth Olympics sa pakikipag­tam­bal kay Li Jiaman ng China noong 2014 edition.

May ranggong No. 4 sa mixed event, sinibak nina Tro­mans-Ansell at Shabani sina Wian Roux ng South Africa at Himani Himani ng India, 5-1, patungo sa quarterfinals.

2018 YOUTH OLYMPIC GAMES

NICOLE TAGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with