Ancheta bumuhat ng bronze medal
MANILA, Philippines — Iniligtas ni veteran powerlifter Adeline Ancheta ang napipintong pagkabokya sa medalya ng Pilipinas sa 2018 Asian Para Games.
Ito ay matapos siyang bumuhat ng bronze medal sa women’s over 86 kilograms Para powerlifting event kahapon sa Balai Sudirman sa Jakarta, Indonesia.
Nagsumite si Ancheta ng best lift na 107kg. sa kanyang second attempt para tumapos sa ikatlong puwesto sa ilalim nina Lee Hyunjung ng Korea at Sriyanti Sriyanti ng Thailand, naglista ng magkatulad na 118kg.
Nakamit ng Korean ang gold medal mula sa kanyang 115kg. lift sa kanyang first attempt kumpara sa 114kg. ni Sriyanti.
Ang naturang tansong medalya ni Ancheta ang nag-iisang medalyang nakuha ng Team Philippines sa nasabing araw ng mga labanan.
Kamakalawa ay nagsulong ang mga Filipino chessers ng tatlong gold medals, habang nakamit ni swimmer Ernie Gawilan ang ikalawa niyang ginto para sa 6-6-6 (gold-silver-bronze) medal tally ng bansa.
Pinagharian ni Gawilan ng Davao ang mga kompetisyon sa men’s 100m back S7 at ang 200m IM SM7 divisions.
Samantala, inangkin naman ni FIDE Master Sander Severino ang individual crown sa individual standard P1 chess at nakasama sina Henry Lopez at Jasper Rom sa pamamahala sa team event.
- Latest