Cone nalungkot sa pagpanaw ni Winter
MANILA, Philippines — Ipinagluksa ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone ang pagkamatay ni Tex Winter, ang nagpakilala sa pamosong ‘triangle offense’.
Sa kanyang Twitter account kahapon ay labis na ikinalungkot ni Cone ang pagpanaw ni Winter.
“Never understood why he would allow a coach like me to hang out and learn from him, but, wow, he really impacted my life,” wika ni Cone. "(I) will miss him forever.”
Nakilala ni Cone si Winter noong 2000.
Namatay si Winter sa edad na 96-anyos at iniluklok sa Naismith Basketball Hall of Fame noong 2011.
Inaral ni Cone ang ‘triangle offense’ sa pamamagitan ng pagbi-video tape sa mga laro ng Chicago Bulls sa NBA.
Si Winter ang nagsilbing assistant coach ng Bulls sa loob ng 14 taon.
Natulungan niya si coach Phil Jackson at NBA great Michael Jordan sa pag-angkin sa anim na NBA titles.
Muli niyang sinamahan si Jackson sa Los Angeles Lakers at magkasamang nanalo ng tatlo pang korona gamit ang ‘triangle offense’.
- Latest