Cebu Sharks pinapak ang Makati Skyscrapers
MANILA, Philippines — Nasungkit ng Cebu City Sharks ang ikalawang panalo matapos magwagi sa Makati Skyscrapers, 70-66, sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup noong Sabado ng gabi University of San Jose-Recoletos Gym sa Basak, Cebu City.
Nagtala si Patrick Cabahug ng 22 points, 7 rebounds at 1 assist para hindi mapahiya ang Sharks sa harap mismo ng kanilang mga fans.
Bukod kay Cabahug, nag-ambag din ng 13 points, 10 rebounds at 2 assists si William McAloney para sa 2-8 baraha ng Sharks ni coach Titing Manalili.
Sa iba pang laro, nagwagi ang Zamboanga Valientes laban sa Basilan Steel, 94-80, upang makuha ang pang-limang panalo sa 10 laro.
Ang Basilan ay bumagsak sa 4-7 kartada sa Southern Division.
Samantala, bumisita ang MPBL sa pangunguna ni Commissioner Kenneth Duremdes sa mahigit isang daang pamilya na naging biktima ng landslide sa Naga City, Cebu.
- Latest