Muyang ng Letran Knights hinirang na NCAA Player of the Week
MANILA, Philippines — Maganda ang takbo ng Colegio de San Juan de Letran sa NCAA Season 81 men’s basketball tournament.
Ginulantang ng Knights ang Pirates ng Lyceum of the Philippines sa bendisyon ng 80-79 panalo noong Biyernes para makalapit ang kanilang tropa sa inaasam na Final Four berth tangan ang 11-4 marka.
At malaking tulong sa naturang panalo ng Letran si Larry Muyang dahilan upang tanghalin siyang NCAA Player of the Week.
Sa kabila ng halimaw na bantay sa ngalan ni Pirates slotman Mike Nzeusseu, nakagawa pa rin si Muyang ng double-double na 23 points at 16 rebounds mula sa impresibong 11-of-12 fieldgoal shooting na sinamahan pa ng apat na shotblocks.
Malakling tulong ang produksyon ni Muyang para punan ang nabakanteng puwesto ni Jerrick Balanza na kasalukuyang nagpapagaling matapos sumailalim sa isang brain surgery.
Nasaksihan ang magandang laro ni Muyang ni Balanza na personal pang nanood para suportahan ang kanyang mga katropa.
“Noong una, hindi ko napansin si Jerrick tapos bigla rin niya akong tinawag kanina. Tapos parang biglang nabuhayan ako ng dugo kasi sabi nga ni Bong, ‘yung kapatid namin nanonood,” litanya ni Muyang.
Naungusan ni Muyang para sa naturang weekly citation ang teammate na si Bong Quinto gayundin sina Prince Eze ng Perpetual Help, Jerome Garcia ng Emilio Aguinaldo College at Robert Bolick ng San Beda University.
- Latest