^

PSN Palaro

Pinoy chessers umakyat sa 13th place

Pilipino Star Ngayon
Pinoy chessers umakyat sa 13th place
Pinamunuan nina International Masters Jan Emmanuel Garcia at Haridas Pascua ang 3-1 panalo ng mga Pinoy chessers laban sa Ecuador.
File

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Philippine men’s team sa pang-limang sunod na panalo para sumosyo sa 13th place sa ika-10 at pe­nultimate round ng 43rd World Chess Olympiad sa Batumi, Georgia noong Huwebes ng gabi.

Pinamunuan nina International Masters Jan Emmanuel Garcia at Haridas Pascua ang 3-1 panalo ng mga Pinoy chessers laban sa Ecuador.

Ito ang pang-limang su­nod na panalo ng natio­nal men’s squad para makasama sa seven-country logjam sa No. 13 spot bitbit ang 14 match points.

Tinalo ni Garcia si FIDE Master Kevin Naboa sa 43 moves ng Scotch Game sa board three  habang binigo ni Pascua si IM Migue Munoz Sanchez sa 33 moves ng English Opening sa last board.

Nakipag-draw naman sina Grand Masters Julio Catalino Sadorra at John Paul Gomez kina GM Carlos Matamoros Franco at IM Christian Barros.

Nagtabla naman sa liderato ang China, pinayukod ang dating solo leader na Poland, 3-1 at top seed at defending champion United States, tumalo sa Armenia, 2.5-1.5 sa magkatulad nilang 17 points.

Kasalukuyan pang nila­la­banan ng mga Pinoy ang mga Vietnamese, nakipag-draw sa Germans, 2-2 habang isinusulat ito kagabi. 

HARIDAS PASCUA

JAN EMMANUEL GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with