^

PSN Palaro

Tiket sa BWC sa Las Vegas puntirya ni Del Rosario

Pilipino Star Ngayon
Tiket sa BWC sa Las Vegas puntirya ni Del Rosario
May anim na national titles, kinatawan ni Del Rosario ang bansa sa international competition ang huli ay sa Hermosillo, Mexico noong nakaraang taon.
File

MANILA, Philippines — Tatargetin ni multi-titled kegler Liza del Rosario ang kanyang pang-pitong paglalaro sa Bowling World Cup international event sa pagbandera sa 43 pang bowlers sa 2018 BWC national women’s finals sa Setyembre 30 sa Coronado Lanes (Starlanes).

May anim na national titles, kinatawan ni Del Rosario ang bansa sa international competition ang huli ay sa Hermosillo, Mexico noong nakaraang taon.

Lumahok din si Del Rosario sa Pattaya, Thailand noong 2001, sa Singapore (2004), sa Wroclow, Poland (2014), sa Melaka, Malaysia (2009), sa Las Vegas (2015) at sa Russia (2007).

Pumangalawa si Del Rosario sa Pattaya, pangatlo sa Singapore, pang-apat sa Poland at Las Vegas, pang-anim sa Malaysia at pang-19 sa Russia.

Ang tatanghaling national champion ngayong taon ang sasabak sa 54th BWC international championship sa Sam’s Town, Las Vegas sa Nobyembre 4-11.

Hindi nakasali si 2017 international women’s titlist Krizziah Tabora dahil siya ay nasa medical leave.

Maghahangad din ng tiket si Mades Arles, ang Philippine entry noong 2013 international finals sa Sburyak, Russia kung saan siya tumapos sa No.8.

BOWLING WORLD CUP INTERNATIONAL

LIZA DEL ROSARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with