^

PSN Palaro

80 bowlers agawan sa BWC nat’l men’s finals

Pilipino Star Ngayon
80 bowlers  agawan sa BWC nat’l men’s finals
Kabilang ang mga da­ting World Cup campaig­ners na sina RJ Bautista, Raoul Miranda, Paolo Valdez at Jeff Carabeo ang sasabak sa kumpetisyon para angkinin ang karapatan na kumatawan sa bansa sa 54th BWC international competition na gaganapin sa Nobyembre 4 hanggang sa 11 sa Sam”s Town sa Las Vegas, Nevada.

MANILA, Philippines — Mahigit 80 pintopplers ang magtatagisan ng husay sa 2018 Bowling World Cup national title simula sa Sabado sa Coronado Lanes (Starlanes) sa Mandaluyong City.

Kabilang ang mga da­ting World Cup campaig­ners na sina RJ Bautista, Raoul Miranda, Paolo Valdez at Jeff Carabeo ang sasabak sa kumpetisyon para angkinin ang karapatan na kumatawan sa bansa sa 54th BWC international competition na gaganapin sa Nobyembre  4 hanggang sa 11 sa Sam”s Town sa Las Vegas, Nevada.

Si Bautista ay sumali sa BWC competition noong 1999 sa Las Vegas at 2012 sa Wroclaw, Poland habang si Miranda ay sumabak sa nasabing international event sa  Shanghai, China noong 2016 at si  Valdez ay noong  2007 sa St. Petersburg, Russia. Si  Carabeo ay kumatawan sa bansa sa BWC noong 2008 sa Hermosillo, Mexico.

Kabilang sa 80 bowlers sa men’s fina­lists  sina Nicco Olaivar, Art Gamolo, Larry Tinio, Dan Enriquez, Simple Villajin, Rey Tejano, Cesar Perez, Alex Santos, Caloy Guitones, Benedicto Aquino Francisco, Rudante Unay at Jerry Bugtong.

Ang top 34 finishers base sa kanilang kabuuang scores ay aabante sa ikalawang araw ng kumpetisyon sa Oct. 2 sa Superbowl.  Ang lahat na makakapasok sa quarterfinals, semifinals at finals ay maglalarong muli sa Oct. 5 sa  Paeng’s Eastwood Bowl.

2018 BOWLING WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with