Perlas Spikers hahataw sa Vietnam meet
MANILA, Philippines — Sasabak ang BanKo Perlas Spikers sa 2018 Vin Lonh Volleyball Tournament sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 3 sa Vietnam.
Makakasagupa ng Perlas Spikers ang tatlong Vietnamese teams at isang koponan mula sa Thailand.
“Banko Perlas Spikers is a fairly new team, as the girls have been playing together for just two years. Their exposure to Vin Lonh Volleyball tournament is a great opportunity for the ladies to further hone their skills, individually and as a squad,” wika ni Perlas Spikers team manager Charo Soriano.
Magandang oportunidad aniya ito para sa Perlas Spikers na naghahanda para sa Premier Volleyball League Open Conference.
Galing ang Perlas Spikers sa Final Four stint sa PVL Reinforced Conference.
Bago tumulak sa Vietnam, makakalaro muna ng Perlas Spikers ang Iriga-Navy sa Setyembre 22 at ang PetroGazz sa Setyembre 23 sa Open Conference sa The Arena sa San Juan City.
Babalik sa Oktubre 6 ang koponan para ipagpatuloy ang kanilang kampanya sa PVL.
Mangunguna sa kampanya ng Perlas Spikers sina Dzi Gervacio, Jem Ferrer, Amy Ahomiro, Nicole Tiamzon, Joy Dacoron, Amanda Villanueva, Gizelle Tan at Sue Roces. (CCo)
- Latest