^

PSN Palaro

Dasmariñas itataya ang korona vs Ghana boxer

Pilipino Star Ngayon
Dasmariñas itataya ang korona vs Ghana boxer
Ang nasabing laban ay inihahandog ng Ringstar Bo­xing, ang pinakamainit na sports media property sa Asya.

MANILA, Philippines — Itataya ni Michael “Gloves on Fire” Dasmariñas ang kanyang suot na  IBO World Bantamweight crown laban kay undefeated boxer Manyo “Black Flash” Plange ng Ghana sa Setyembre 29 sa Marina Bay Sands sa Singapore.

Ang nasabing laban ay inihahandog ng Ringstar Bo­xing, ang pinakamainit na sports media property sa Asya.

Kasalukuyang bitbit ng 26-anyos na si Dasmariñas, tubong Camarines Sur, ang 26-2-0 win-loss-draw ring record at nanggaling sa isang  three-week training camp sa Kashiwa, Japan bilang paghahanda kay Plange.

Hawak naman ni Plange ang malinis na 17-0-0 card.

Nagmula si Dasmariñas sa fourth round KO victory laban kay French boxer Karim Guerfi noong Abril 20 sa Singapore para makamit ang IBO World Bantamweight title.

“Excited po akong lumaban ulit, sana bukas na ang laban ko,” sabi ni Dasmariñas. “Bilang isang boxer, pinag­bubutihan ko ang training ko  sa nalalapit na laban na ito.  Kasing tindi ng huli kong training ang ginagawa ko, pero ngayon mas gusto ko pang patunayan ang sarili ko bilang isang IBO World Bantamweight champion.”

Kumpiyansa naman si Ringstar Founder Scott Farrell na tatalunin ni Dasmariñas si Plange.   (Cadayona)

MICHAEL DASMARIñAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with