^

PSN Palaro

Elite niyanig ang Beermen

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Elite niyanig  ang Beermen
Pilit na itinatago ni Blackwater center Poy Erram ang bola mula kay San Miguel guard Alex Cabagnot.
(Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Sinorpresa ng Blackwater ang powerhouse San Miguel Beer nang ilusot nito ang 103-100 gitgitang panalo upang kubrahin ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay kagabi sa PBA Season 43 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Halos magtala ng triple-double si William Henry Walker nang bumira ito ng 35 puntos, 17 rebounds, pitong steals at limang assists para sa Elite na na­panatiling malinis ang rekord taglay ang 2-0 marka.

Hindi solong binitbit ni Walker ang kanilang tropa dahil nakakuha ito ng sapat na suporta mula kay Michael Digregorio na umani ng 21 markers, tatlong rebounds at tatlong assists gayundin kay Nard John Pinto na nagdagdag ng 15 puntos, siyam na boards at pitong assists.

“What’s good there we were able to recover yung bini-build namin na cha­racter ng team nandun na. We will continue to practice in our long rest,” wika ni Blackwater head coach Bong Ramos.

Limang Beermen ang nagtala ng double figures sa pangunguna ni Arizona Reid na may 26 markers at 12 boards at Christian Standhardinger na umani ng 20 points.

Subalit kapos pa rin ito para mahulog ang Beermen sa 1-1 marka.

“Suwerte kami wala si Fajardo,” dagdag ni Ramos patungkol kay Beermen slotman June Mar Fajardo na nagpapagaling sa kanyang injury.

Sinubukan pa ng Beermen na maipuwersa ang overtime.

Ngunit nagmintis si Reid sa kanyang three-point attempt may walong segundo pa ang natitira bago nakuha ni Alex Cabagnot ang rebound at ipinasa kay Arwind Santos.

Isa pang sablay na tres ang ibinato ni Santos para tuluyang makuha ng Blackwater ang panalo.

Magkakaroon ng dalawang linggong pahinga ang PBA upang bigyang daan ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup qualifying tournament.

Magbabalik-aksiyon ang liga sa Setyembre 19. sa parehong venue. 

PBA SEASON 43

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with