^

PSN Palaro

Lariba yumao na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lariba  yumao na
Olympian Ian ‘Yanyan’ Lariba

Sports community nagluluksa

MANILA, Philippines — Nagluluksa ang sports community sa pagpanaw ni Olympian Ian Lariba--ang kauna-unahang Pinay athlete na nakapaglaro sa table tennis competition ng Olympic Games noong 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Mahigit isang taon ding nakipaglaban ang 23-an­yos na si Lariba sa sakit na leukemia bago tuluyang mamaalam Linggo ng gabi.

Tinulungan nito ang De La Salle University na masungkit ang tatlong kampeonato sa UAAP at nakapagbulsa rin ng tatlong MVP awards.

Itinanghal pa itong UAAP Athlete of the Year noong Season 77 at Season 78.

Ngunit higit na nag­ning­ning ang pangalan ni Lariba nang mag-kwalipika ito sa Rio Olympics.

Ilang buwan matapos ang kanyang kampanya sa Rio Games, natuklasan itong may acute myeloid leukemia at sumailalim sa iba’t ibang proseso gaya ng chemotherapy.

Nalungkot ang Inter­national Table Tennis Federation – ang world governing body ng sport – sa pagpanaw ni Lariba at agad na nagpaabot ng pakikiramay.

Kaliwa’t kanan din ang mensahe mula sa iba’t ibang atleta at orga­nisasyon kabilang na ang pamunuan ng UAAP at ang mga nakasama nito sa Rio Olympics gaya ni Olympic silver medalist at Asian Games champion Hidilyn Diaz.

“We already know she was undefeated in her five years in the UAAP. We already know she was Athlete of the Year not once but twice on top of multiple MVP awards. But she was a student first and was a consistent dean’s lister,” ayon sa statement ng UAAP. 

IAN LARIBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with