^

PSN Palaro

Fuller bumida sa panalo ng NLEX

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Fuller bumida sa panalo ng NLEX
Hari ng daan si Aaron Fuller nang tumipa ito ng 35 puntos mula sa 13-of-23 field goal shooting at 9-of-11 sa free throw area kalakip ang 21 rebounds, pitong assists at isang steals para buhatin ang Road Warriors sa 3-1 marka.

MANILA, Philippines — Hindi hinayaan ng NLEX na makadaan sa kanilang teritoryo ang Columbian Dyip nang itarak nito ang 116-104 desisyon upang maikonekta ang ikatlong panalo sa PBA Season 43 Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Hari ng daan si Aaron Fuller nang tumipa ito ng 35 puntos mula sa 13-of-23 field goal shooting at 9-of-11 sa free throw area kalakip ang 21 rebounds, pitong assists at isang steals para buhatin ang Road Warriors sa 3-1 marka.

Humugot ng suporta si Fuller mula sa local players kabilang na si Larry Fonacier na may 17 markers at apat na assists gayundin si Kenneth Ighalo na nag-ambag naman ng 15 puntos at tatlong boards.

May tig-10 puntos pang nakuha ang Road Warriors mula kina Pedrito Galanza at JR Quiñahan.

Mas mabilis ang galaw  ng bola sa hanay ng Road Warriors para makakuha ng 32 assists laban sa 18 ng Dyip habang umani rin ang NLEX ng 10-6 bentahe sa steals.

Mas maraming turnovers ang Dyip, 20-15 na isa sa pumigil sa pag-arangkada ng tropa.

Hindi pa rin makaharurot ang Columbian Dyip na sumadsad sa ikatlong sunod na kabiguan.

Nagsilbing mekaniko ng Columbian si Akeem Wright na tumabo ng 37 points, 17 boards at limang assists habang umasiste si Jerramy King na may 22 points at pitong rebounds.

Subalit hindi nasolusyunan ng dalawa ang problema sa makina ng Dyip para manatiling walang panalo ang kanilang tropa. 

Samantala, kasalukuyan pang naglalaban ang Alaska Aces at Phoenix Fuelmasters habang sinusulat ito.

PBA SEASON 43

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with