Team Philippines inalat sa medalya
JAKARTA — Walang ingay ang Pinoy athletes kahapon na nagsikap makausad sa medal rounds ng iba’t ibang events kahapon sa 18th Asian Games na ginaganap sa iba’t ibang venues dito at sa Palembang.
Hanggang alas-4 ng hapon kahapon, sumasabak sa preliminaries ang mga Pinoy athletes sa Kurash (katutubong wrestling), soft tennis, equestrian, sailing, gymnastics, , boxing, karate, skateboarding at athletics.
Dahil hindi nadagdagan ang 3-gold at 12 bronzes total ng Pinas noong Linggo na naglagay sa bansa sa14th place ng overall medal standings, nalaglag na ang Philippines sa 19th place.
Pero nagawa nang higitan ng 275-man Philippine team ang produksiyon ng Pinas na 1-2-11 (gold-silver-bronze) noong 2014 Incheon Asiad sa pamamagitan ng gold nina weightlifter Hidilyn Diaz, golfer Yuka Saso at ang team gold nina Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go bukod sa bronzes ng men at women’s poomsae team, taekwondo jin Pauline Louise Lopez, wushu artists Agatha Wong at Divine Wally, ju-jitsu Meggie Ochoa, BMX rider Daniel Caluag, isa kay Pagdanganan at tatlo mula sa pencak silat na sina Dines Dumaan, Jefferson Rhey Loon at Cherry Mae Regalado.
Pumasok sa semifinals sina Fil-Ams Kristina Knott sa women’s 200 meter at Trenten Beram sa men’s 200m at gagawin din ang finals kagabi.
Patungo sa huling apat na araw ng kompetisyon, may pag-asa pa sa tatlong boxers na pumasok sa medal round--sina welterweight Eumir Felix Marcial, light flyweight Carlo Paalam at Olympian flyweight Rogen Ladon matapos masibak ang lima pa nilang kasama sa preliminaries.
Nakatakdang labanan ni Paalam si Temirtas Zuzzupov ng Kazakhstan sa ala-1:30 ng hapon sa quarterfinals ng men’s light flyweight-49 kgs. habang ang Koreanong si Jinjea Kim ang haharapin ni Marcial sa alas-7 ng gabi sa middlewight quarterfinals.
Tumiyak naman si Ladon ng bronze medal matapos talunin si Azat Mahmetov ng Kazakhstan via split decision sa 52kg quarterfinals.
Haharapin ni Ladon sa semifinals papasok sa gold medal round si Yutapong Tongdee ng Thailand, tumalo kay Gan-Erdene Gankhuyag ng Mongolia, sa Biyernes.
Patuloy sa pananalasa ang Asian powerhouse country ng China sa kanilang 88-golds, 62-silver at 43-bronzes as of 6 p.m. kahapon, malayong kasunod ang Japan na may 43-37-57 (gold-silver-bronze). Nasa ikatlong puwesto ang Korea na may 31-37-44 habang ang host Indonesia ay may 24-18- 28 na.
Samantala, pinagbalingan naman ng sama ng loob ng “Gilastopainters ang Japan na kanilang tinambakan, 113-80 sa classification round.
Nanguna si Christian Standhardinger sa kanyang tinapos na 27 puntos habang nagtala naman si Jordan Clarkson ng 22 puntos para sa Pinoy cagers na naghihintay ng kanilang makakalaban para sa 5th place.
- Latest