^

PSN Palaro

Petecio ninakawan ng panalo; Bacho sibak din

Mae Balbuena-Villena - Pilipino Star Ngayon
Petecio ninakawan ng panalo; Bacho sibak din
Hindi katanggap-tanggap ang pagkatalo ni Nesthy Petecio sa unang araw ng boxing competition ng 18th Asian Games sa Jakarta International Expo.
Joey Mendoza

JAKARTAHindi katanggap-tanggap ang pagkatalo ni Nesthy Petecio sa unang araw ng boxing competition ng 18th Asian Games sa Jakarta International Expo.

Unang nasibak si Joel Bacho sa kanyang 1-4 kabiguan kontra kay Iranian Sajjad Kazemzadeh Poshtiri sa round of 32 ng men’s welterweight division ngunit naging kontrobersiyal ang 2-3 split decision loss ni Petecio kontra kay Junhua Yin ng China bagama’t paborito itong manalo bilang defen­ding champion at two-time Olympic silver medalists.

“Kahit ako, nakita ko sa laro, panalo po talaga ako. Kahit ‘yung crowd, pati ‘yung mga nakakasalubong ko, panalo raw po talaga ako,” ani Petecio. “Nakakasama po talaga ng loob dahil pangarap ko talaga ‘to (manalo ng gold sa Asian Games) para sa pamilya ko, para sa bayan. Nalulungkot ako, masakit po talaga pero hindi na po mababago, tanggapin na lang.”

Minsan nang napatumba ni Petecio ang nakalaban sa kanilang naunang sagupaan sa isang torneo sa Russia.

“Lahat na ng daya, ginawa niya sa akin, grabeh ang holding niya sa akin, nire-wrestling na niya ako. Halatang takot talaga siya sa akin. Inaabangan niya ‘yung malakas na suntok ko,” kuwento pa ni Petecio.

Sinabi ni Association of Boxing Alliances of the Philippines secretary-ge­neral Ed  Piczon, ang mga boxing officials ng Asian Games na aniya ay na­ngako ng  fair competition.

“Protests are not allowed but I will appeal that the judges responsible for this travesty not be assigned to officiate in the coming Philippine fights as judges or referees. I think that is fair, ani Piczon na isang ‘travesty’ o paglapastangan ang naturang laban.  

JOEL BACHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with