^

PSN Palaro

Jr. bowlers pursigidong masikwat ang ginto sa 18th Asian Games

FCagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos mag-uwi ng bronze medal mula sa 2018 World Youth Cham­pionships, malaki ang tiwala ni National Youth Boys team head coach Biboy Rivera sa magandang kampanya ng tropa sa tatlong iba pang international tournaments sa taong ito.

Nagpakitang gilas ang Philippine national youth boys team sa world championship na ginanap sa Michigan, Detroit, USA kamakailan lang.

Kabilang ang gintong medalya sa boys team event ng 2018 Asian Games sa Jakarta at Palembang, Indonesia ang  tinatarget ng koponan, ayon kay Rivera.

Ang ibang torneo na sasalihan ng national youth team ay ang 2018 World Men’s championship sa Hong Kong at Asian Schools championship sa Taiwan.

“A bronze that glitters like gold. I’m very happy and satisfied with their performance,” sabi ng 44-anyos na si Rivera, ukol sa boys youth team na kinabilangan nina Kenzo Umali, Merwin Tan, Praise Gahol at Ivan Malig.

Ang huling pagkaka­taon na nag-uwi ng me­dalya ang Pilipinas sa World Youth Championship ay noon pang 1992, kung saan nasungkit din ni Angelo Constantino ang singles gold medal na gina­nap sa Venezuela.

Ayon sa team captain ng koponan na si Umali,   ang kanilang bronze medal  na panalo sa World Youth tourneo ay sapat na para mas lalo silang magpursige upang angkinin ang medalya sa 18th Asian Games.

Sina  Umali at Merwin Tan ay kabilang sa 12-man Phi-lippine men’s at women’s team na tutungo sa Palembang, Indonesia para suma-bak sa 2018 Asian Games ni head coach Paeng Nepomuceno at assistant coach Rivera.

Ang ibang miyembro ng national team para sa Asian Games bowling event na magsisimula sa Agosto 22 hanggang 27 ay sina Kenneth Chua, Enzo Hernandez, Jomar Jumapao, Merwin Tan, Raoul Miranda habang sa wo­men’s team ay sina Dyan Coronacion, Alexis Sy, Liza Del Rosario, Lourdes, Arles, Lara Posadas at Rachelle De Leon.

2018 WORLD YOUTH CHAM­PIONSHIPS

BIBOY RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with