^

PSN Palaro

Severino tersera sa Malaysian Open

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Severino tersera sa Malaysian Open
Dinaig ni wheelchair-bound FIDE Master Sander Severino si FM Arif Abdul Hafiz ng Indonesia para pumangatlo sa blitz section ng nasabing nine-round tournament sa likod ng nagharing si Grand Master Susanto Megaranto ng Indonesia at second placer na si untitled Filipino Merben Roque.
https://www.facebook.com/Sander-D-Severino

MANILA, Philippines — Naglahok ang Pilipinas ng isang differently-abled chess squad sa 2018 Malaysian Open bilang preparas­yon para sa Asian Para Games sa Jakarta, Indonesia sa Oktubre.

Maganda naman ang naging resulta nito.

Dinaig ni wheelchair-bound FIDE Master Sander Severino si FM Arif Abdul Hafiz ng Indonesia para pumangatlo sa blitz section ng nasabing nine-round tournament sa likod ng nagharing si Grand Master Susanto Megaranto ng Indonesia at second placer na si untitled Filipino Merben Roque.

Ang 32-anyos na si Severino, may muscular dystrophy noong siya ay bata pa at naging multiple-gold medal winner sa  ASEAN Para Games, ay tumabla kina FM Yoseph Theofilus Taher ng Indonesia at third seed GM Yuziang ng China.

Nasolo niya ang third place dahil sa pagkakaroon ng highest tiebreak.

Pumuwesto rin ang mga teammate ni Severino na sina Henry Lopez at Felix Anguilera at sina coaches James Infesto at FM Roel Abelhas.

2018 MALAYSIAN OPEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with