^

PSN Palaro

Clarkson babandera sa Team Phl

Mae Villena - Pilipino Star Ngayon
Clarkson babandera sa Team Phl
Bagama’t ‘di nakalaro ang Cleveland Cavaliers player na si Clarkson, sinimulan ng Philippine basketball team ang kampanya ng Pinas sa pamamagitan ng impresibong 96-59 panalo kontra sa Kazakhstan kamakalawa.

18th Asian Games pormal na bubuksan ngayon  

JAKARTA--Pormal na bubuksan ngayon ang 18th Asian Games sa 76,000-seater na Gelora Bung Karno Stadium dito kung saan pangungunahan  ni Fil-Am NBA players Jordan Clarkson ang 272-man Philippine delegation bilang flag bearer sa parade of teams sa inaasahang magarbong opening ceremonies sa alas-7 ng gabi (8 p.m. Manila Time).

Bagama’t ‘di nakalaro  ang Cleveland Cavaliers player na si Clarkson, sinimulan ng Philippine basketball team ang kampanya ng Pinas sa pamamagitan ng impresibong 96-59 panalo kontra sa Kazakhstan kamakalawa.

Hangad ng mga Pinoy athletes na lalahok sa 31 event mula sa 44 na sport na higitan ang 1-gold, 3-silver at 11-bronze medals na naideliber ng Phl team sa Incheon Asian Games South Korea noong 2014 kung saan inaasahan sina Olympic weightlifting silver medalists Hidilyn Diaz at ang nag-iisang gold meda­list ng Pinas sa 17th Asiad na si Daniel Caluag.

Naghihintay ang P5-milyon sa atletang makakapag-uwi ng gintong medalya mula sa quadrennial sports conclave na ito.

Base sa Republic Act 10699 (National Athletes and Coaches Benefits Act), ang mananalo ng gold ay may P2-milyon, P1-milyon sa silver at P400K sa bronze bukod pa ang pabuya ng Philippine Olympic Committee na P2-milyon sa gold, P500K sa silver at P300K sa bronze na dinagdagan ng Siklab Atleta Foundation ng P1-milyon sa gold, P500K sa silver at 250K a bronze.

Tumangging magbigay ng prediksiyon ang Philippine delegation Chief of Mission na si Ormoc Ma­yor Richard Gomez ngunit inaasahan niyang ibibigay lahat ng mga atleta ang kanilang makakaya upang mahigitan ang produksyon ng Pinas sa Korea.

Bukod kina Diaz at Caluag, inaasahan ding magdedeliber si Maggie Ochoa na three-time Brazillian Jiujitsu Federation world champion matapos maisama ang naturang sport sa Asian Games sa unang pagkakataon.

Ang iba pang may ma­laking pag-asang makagold ay sina marathoner Mary Joy Tabal, Eric Cray at EJ Obiena sa athletics, triathletes Kim Mangrobang at Nikko Huelgas at boxer Eumir Felix Marcial.

Tinatayang 11,000 atleta at 5,000 officials ang magtitipun-tipon sa Indonesia para sa 16 araw na kompetisyon bagama’t nagsimula na ang mga qualifications ng football, handball, basketball at water polo noon pang Aug. 10.

Walang naka-schedule na kompetisyon ngayong araw maliban sa opening ceremonies at hahataw ang aksiyon bukas kung saan 14 pang sport ang sisimulan kabilang ang medal rich na swimming event, fencing, shooting at wushu na gold medal agad ang paglalabanan.

18TH ASIAN GAMES

JORDAN CLARKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with