^

PSN Palaro

Che’Lu vs. Go for Gold para sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Che’Lu vs. Go for Gold para sa Finals
Sumagot sa hamon si Jeff Viernes nang magpa­sabog ng 26 puntos tampok ang apat na three-pointers kalakip ang 6 rebounds, 6 assists at 3 blocks para tapusin ng Revellers ang kanilang best-of-three se­mis series ng Scorpions sa 2-1.
File Photo

Laro Bukas(Ynares Sports Arena, Pasig City)

5 p.m. Go For Gold vs Che’Lu (Game 1, Finals)

MANILA, Philippines — Inilabas ng Che’Lu Bar and Grill ang buong lakas pa­tungo sa 86-73 panalo la­ban sa Centro Escolar Uni­versity para hablutin ang huling tiket sa finals ng 2018 PBA D-League Foundation Cup kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City.

Sumagot sa hamon si Jeff Viernes nang magpa­sabog ng 26 puntos tampok ang apat na three-pointers kalakip ang 6 rebounds, 6 assists at 3 blocks para tapusin ng Revellers ang kanilang best-of-three se­mis series ng Scorpions sa  2-1.

Nakauna ang Revellers nang itarak ang 112-97 pa­nalo sa Game One bago nakaresbak ang Scorpions sa Game Two bunsod ng 83-78 desisyon.

Nakasama ni Viernes sa pagbuwelta si Jessie James Collado na humataw ng double-double na 19 markers at 12 boards gayundin si Levi Hernandez na tumipa naman ng 12 points.

Pare-parehong may 11 puntos sina Orlan Wamar, John Roxas at Judel Fuentes para sa Scorpions.

Makakasagupa ng Re­vellers ang Go For Gold sa best-of-five championship showdown.

Nakapasok sa finals ang Scratchers matapos walisin ang Marinerong Pilipino, 2-0, sa hiwalay na best-of-three semis series.

Namayani ang Go For Gold sa Game One (96-87) at Game Two (103-75).

Lalarga ang Game One bukas sa parehong venue.

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with