^

PSN Palaro

Finals Berth paglalabanan ng Scorpions at Revellers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Finals Berth paglalabanan ng Scorpions at Revellers
Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng Scorpions at Revellers sa alas-5.

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng Cen­tro Escolar University at Che’Lu Bar and Grill ang huling tiket sa finals sa pag­larga ng 2018 PBA D-League Foundation Cup ‘do-or-die’ semis game nga­yong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng Scorpions at Revellers sa alas-5.

Pinataob ng Revellers ang Scorpions sa iskor na 112-97 sa Game One ngu­nit nakabawi ang CEU nang itarak ang 83-78 desisyon kontra Che’Lu sa Game Two noong nakaraang linggo para maipuwer­sa ang rubber match.

Nakakuha ng malakas na puwersa ang Scorpions mula kina Rich Guinitaran at Orlan Wamar para dalhin ang kanilang tropa sa pa­nalo.

Kaya’t inaasahang mu­ling ilalabas ng dalawang mahuhusay na manlalaro ang bangis upang pamu­nuan ang Scorpions sa pag­martsa sa finals.

“We manned up and that’s what we’re telling them. The playoff is a man’s game and that’s what we need to do. We have to stand our ground and take what they can give. We have to fight,” wika ni Scor­pions mentor Derrick Pu­maren.

Tiwala naman si Che’Lu head coach Stevenson Tiu na nananatiling mataas ang moral ng kanyang mga ba­taan.

Mas determinado at mas uhaw na Revellers ang hahataw sa ‘do-or-die’ game sa pangunguna ni Jeff Viernes.

Maliban kay Viernes, nais ni Tiu na makakuha ng malaking kontribusyon mu­la sa iba pang miyembro ng koponan partikular na ki­na Levi Hernandez, Chris Bitoon at Jesse Collado.

“This is not Jeff Viernes’ team alone. This is Che’Lu and all must contribute,” wika ni Tiu.

Ang magwawagi sa Scor­pions at Revellers ang haharap sa Go For Gold sa best-of-five championship showdown.

Nauna nang umusad sa finals ang Scratchers matapos walisin ang Marinerong Pilipino, 2-0, sa hi­walay na best-of-three se­mis series.

CEN­TRO ESCOLAR UNIVERSITY

CHE’LU BAR AND GRILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with