^

PSN Palaro

Che’Lu kumakaway sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Che’Lu kumakaway sa Finals
Nasandalan ng Revellers si veteran guard Jeff Viernes nang pakawalan ang 21 puntos kabilang ang 14 sa fourth quarter para hatakin ang kanilang grupo sa 1-0 kalamangan sa best-of-three semifinal series.
File Photo

Laro bukas (Ynares Pasig)

4pm Marinero vs Go For Gold

6pm Che’Lu vs CEU

MANILA, Philippines — Mainit ang simula ng Che’Lu Bar and Grill nang tustahin nito ang Centro Escolar University sa pamamagitan ng 112-97 panalo upang makadikit sa inaasam na finals slot sa 2018 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nasandalan ng Revellers si veteran guard Jeff Viernes nang pakawalan ang 21 puntos kabilang ang 14 sa fourth quarter para hatakin ang kanilang grupo sa 1-0 kalamangan sa best-of-three semifinal series.

Nagawang ibaon ng Revellers ang 20 puntos na kalamangan.

Subalit hindi agad nawalan ng pag-asa ang Scorpions at unti-unti itong tinapyas para makalapit sa 90-94 may tatlong minuto pang nalalabi.

Agad na sumaklolo si Chris Bitoon nang bumato ito ng krusyal na three-pointer habang bumanat naman si Viernes ng apat na sunod na puntos para pamunuan ang 7-0 run ng Revellers at muling ilayo ang iskor sa 101-90.

Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Revellers para makuha ang panalo.

“Yung complacency ang parating problema ng team namin. Good thing mas beterano kami, may advantage kami sa endgame,” ani Revellers mentor Stevenson Tiu.

Umiskor si Levi Hernandez ng 24 puntos para sa Che’Lu.

Pinangunahan ni Judel Fuentes ang Scorpions nang umani ito ng 27 points at anim na rebounds.

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with