^

PSN Palaro

Scratchers sinilo ang No. 2 berth sa playoffs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Scratchers sinilo ang  No. 2 berth sa playoffs
Mainit ang palad ni Jai Reyes nang kumana ng 19 puntos tampok ang tatlong tres kasama pa ang walong assists, anim na rebounds at tatlong steals para pamu­nuan ang Scratchers.

MANILA, Philippines — Pinalubog ng Go For Gold ang Marinerong Pilipino, 86-71, upang masi­gu­ro ang Top 2 spot sa play­offs sa PBA D-League Founda­tion Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Mainit ang palad ni Jai Reyes nang kumana ng 19 puntos tampok ang tatlong tres kasama pa ang walong assists, anim na rebounds at tatlong steals para pamu­nuan ang Scratchers.

Nagparamdam din si Dan Wong nang umiskor ng 14 markers at tatlong boards gayundin si Gab Ban­al na nagpamalas ng all-around game na 13 pun­tos, pitong rebounds, li­mang steals at apat na assists.

“We just played better de­fense. If we play defense, we’ll have a chance to win every game,” ani mentor Charles Tiu.

Sumosyo ang Go For Gold sa liderato kasama ang Che’Lu Bar and Grill ha­­wak ang 7-2 baraha.

Paglalabanan ng Scrat­chers at Revellers ang top seeding sa playoffs sa hu­ling araw ng eliminas­yon sa Huwebes.

Nanguna para sa Skip­pers si Abu Tratter na nag­lis­ta ng 16 puntos.

Bagsak ang Marine­rong Pilipino sa 5-4 marka.

Haharapin ng Skippers ang Centro Escolar University pa­ra sa No. 3 seed.

Ibinaon ng Scrat­chers ang Skip­pers sa ikatlong kanto nang itarak ang 61-43 kala­mangan patungo sa 69-46 sa huling pitong minuto ng la­ro.

Sa ikalawang laro, igi­nu­po ng Batangas ang AMA Online Education, 91-78, para magarbong ta­­pusin ang kampanya sa 4-6 marka.

GO FOR GOLD

MARINERONG PILIPINO

PBA D-LEAGUE FOUNDA­TION CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with