Viernes ibinalik sa unahan ang Che’Lu
Laro sa Lunes(Ynares Sports Arena)
1 p.m. CEU vs Go for Gold
3 p.m. Marinerong Pilipino vs Batangas
MANILA, Philippines — Inilampaso ng Che’Lu Bar and Grill ang AMA Online Education, 139-101 para masolo ang liderato sa 2018 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Naramdaman ng husto si dating Globalport guard Jeff Viernes nang humataw ito ng 35 puntos tampok ang pitong three-pointers para dalhin ang Revellers sa ikaanim na panalo sa walong pagsalang.
Nagpasiklab din sa pagkakataong ito si Levi Hernandez na may 22 markers, anim na boards at apat na assists samantalang nagsumite si Jason Melano ng double-double na 12 points at 10 rebounds.
May 12 puntos din na nai-ambag si Chris Bitoon para sa Revellers.
“Yung intensity namin dapat pare-parehas. Sa mga games na ganito pwede naming subukan yung ibang players para pagdating sa playoffs handa sila,” ani Revellers head coach Stevenson Tiu.
Nanguna si Andre Paras para sa Titans (0-8) hawak ang 16 markers at 12 boards.
Sa unang laro, pinataob ng Centro Escolar University ang Batangas, 84-75 para mapalakas ang tsansa nito sa semis spot.
Sumulong ang Scorpions sa 4-3 baraha sa likod ng impresibong laro ni Orlan Wamar na may 17 puntos, walong assists at anim na rebounds.
Nagdagdag naman si Pierce Chan ng 13 markers at 10 rebounds samantalang gumawa si Judel Fuentes ng 12 points at pitong boards para sa Scorpions.
- Latest