^

PSN Palaro

Petron kinaldag ang UP-UAI

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Petron kinaldag ang UP-UAI
Ipinakita ng Blaze S­pi­kers ang kanilang husay para sa madaling panalo at masungkit ang ikalawang sunod tagumpay.
https://www.facebook.com/superligaphilippines

MANILA, Philippines — Hindi na pinatagal pa ng Petron Blaze  ang laban at pinataob ang University of the Philippines-United Auctioneers, 25-9, 25-16, 25-17 kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Philippine Superliga Invitational Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Ipinakita ng Blaze S­pi­kers ang kanilang husay para sa madaling panalo at masungkit ang ikalawang sunod tagumpay.

Dahil sa panalo, nakisosyo ang Blaze Spikers sa liderato kasama ang F2 Logistics sa Pool A sa parehong 2-0 win-loss kartada habang ang Lady Fighting Maroons ni coach Godfrey Okumu ay nakatikim ng kanilang ikalawang sunod na talo.

 Umani si Cherry Rondina ng 11 puntos kabilang na ang siyam na atake, isang block at isang ace para sa Blaze Spikers.

“Iniisip ko talaga na kailangan din naming makuha ang taste sa loob ng court kaya kami nanalo. Kaila­ngan pa rin talaga namin ang more experience pa dahil siyempre gusto rin naming mag-champion sa conference na ito,” sabi ni Rondina.

 Sa unang pagkakataon naman naipakita ng Phi­lippine national women’s team ang kanilang husay sa pamamagitan ng 23-13, 25-17, 25-11 panalo kontra sa Cocolife Asset Managers.

Ito pa lamang ang u­nang laro ng pambansang koponan simula ng nabuo ang tropa ni coach Shaq De Los Santos noong nakaraang buwan.

 Siyam na manlalaro lamang ang naglaro sa pa­ngunguna nina Jaja Santiago at Dindin San­tiago-Manabat pero na­ging magaan pa rin ang kanilang panalo.

 Umiskor si Jaja ng 17 puntos kabilang na ang 13 atake at apat na aces habang ang kanyang kapatid na si Dindin ay tumulong ng 12 at 29 excellent sets naman mula kay Kim Fajardo at anim na puntos sa team captain Aby Maraño.

“We’re still adjusting and we missed a lot of key pla­yers but the important thing all the players delivered for us. Even it was a game without any bea­ring, we’re still thankful that we won our first game,” sabi ni national team head coach Shaq De Los Santos.

FILOIL FLYING V CENTER

PHILIPPINE SUPERLIGA INVITATIONAL CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with