LeBron James 4 na taon sa Lakers
MANILA, Philippines – Isa nang miyembro ng Los Angeles Lakers ang three-time NBA champion LeBron James matapos pumirma ng four-year contract ngayong Lunes.
Lumipat sa West coast ang four-time MVP na si James, kung saan nagkakahalaga ng $153.3 milyon ang kaniyang kontrata.
Ito na ang pangalawang beses na iiwan ni James ang kanyang hometown na Cleveland Cavaliers na kumuha sa kanya bilang fisrt pick noong 2003 draft.
Una siyang umalis noong 2010 para sa Miami Heat kung saan natupad ang kaniyang pangarap na manalo ng kampeonato sa dalawang magkasunod na taon (2012 at 2013).
Bumalik siya sa Cleveland noong 2014 at dalawang taona ang lumipas bago niya nabigyan ng korona ang Cavaliers sa kanilang makasaysayan na Game 7 win kontra Golden State Warrios.
Ngayon, sa kanyang ika-16 na season sa NBA, muli nanaman niyang iniwan ang Cavs para makasama sa Lakers sina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Kyle Kuzma.
Makakasama rin ni James si Lance Stephenson na pumirma ng isang taong kontrata.
Hindi pa naman tiyak kung makukuha ng Lakers si Kawhi Leonard ng San Antontio Spurs.
- Latest