Ateneo hinubaran ng titulo ang Bedans
MANILA, Philippines — Hinubaran ng Ateneo de Manila University ng korona ang San Beda University sa bisa ng 76-62 desisyon upang dagitin ang kampeonato sa 12th FilOil Flying V Preseason Cup kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Matikas na winalis ng Blue Eagles ang lahat ng 12 asignatura nito para maibalik sa Katipunan ang titulo na huli nilang nahawakan noong 2011 pa.
Halimaw ang inilabas na laro ni Angelo Kouame na naglatag ng double-double na 15 puntos at 16 rebounds na performance kasama pa ang tatlong blocks para manduhan ang atake ng Ateneo na galing sa isang tournament sa Greece bago sumalang sa quarterfinals, semifinals at finals.
Namayani naman ang Far Eastern University sa College of Saint Benilde, 78-58 para masiguro ang third-place trophy.
Nadagit ni Kouame ang MVP plum habang bahagi rin ito ng Mythical Team kasama sina Justine Baltazar ng La Salle, Thirdy Ravena at Matt Nieto ng Ateneo at Javee Mocon ng San Beda. Best Defensive Player si Price Eze ng Perpetual Help.
Samantala, nakopo ng Mapua University ang kampeonato sa junior division nang igupo ang San Beda University-Rizal, 78-72.
- Latest