^

PSN Palaro

Ex-PBA import inakay ang Korea sa panalo vs China

Pilipino Star Ngayon
Ex-PBA import inakay ang Korea sa panalo vs China
Nagtala si Ratliffe, kinuhang naturalized player ng Korea, ng 25 points, 11 rebounds, 3 assists at 1 steal para resbakan ang China na nauna silang tinalo, 92-81 sa Seoul noong Nob­yembre.
https://www.facebook.com/PtJGLlamados

MANILA, Philippines — Tinulungan ni dating Magnolia import Ricardo Ratliffe ang Korea sa 82-74 paggupo sa China para umabante sa se­cond round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Shenzhen, China.

Nagtala si Ratliffe, kinuhang naturalized player ng Korea, ng 25 points, 11 rebounds, 3 assists at 1 steal para resbakan ang China na nauna silang tinalo, 92-81 sa Seoul noong Nob­yembre.

Nagtala ang mga Koreans ng 2-1 record sapul nang gawing naturalized player si Ratliffe at may 3-2 baraha sa kabuuan.

Tatapusin ng Korea ang kanilang first-round matches laban sa Hong Kong bukas.

Nauna nang tinalo ng Korea ang New Zealand, 86-80  sa Wellington noong Nobyembre.

Binigo naman ng New Zealand ang Hong Kong, 124-65 sa Rotorua para manguna sa Group A.

Sa Group C, tinakasan ng Lebanon ang Jordan, 77-76  samantalang  iginupo ng Syria ang India, 81-76.

Sinamahan ng mga Syrians (2-3) ang mga Lebanese (4-1) at mga Jordanians (4-1) sa second round laban sa mga Kiwis (4-1), mga Chinese (3-2) at mga Koreans (3-2).

2019 FIBA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

RICARDO RATLIFFE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with