^

PSN Palaro

Tigers giniba ang Capitals

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-ambag ng kabuuang 42 puntos sina Leo Najorda at Emmanuel Calo para iangat ang Davao Occidental Tigers laban sa Quezon City Capitals, 90-78 sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup  noong Martes ng gabi sa Pasig City Sports Center.

Umiskor ng tig-21 pun­tos sina dating PBA standout Najorda at dating University of the Visayas Green Lancers Calo upang masungkit ang ikalawang sunod panalo at makisosyo sa liderato sa South Division kasama ang Muntinlupa Cagers sa parehong 2-0 win-loss kartada.

Bukod sa malaking puntos na halos kalahati sa kabuuang score ng buong koponan, umani pa ng tig-anim na rebounds at tig-tatlong assists sina Najorda at Calo para biguin ang QC Capitals na nakalasap ng kanilang ikalawang sunod na talo.

Sa iba pang laro, hiniya naman ng Laguna Heroes ang Pasig Pirates sa kanilang homecourt mismo sa pamamagitan ng 83-75 pananaig upang masungkit ang unang panalo sa dalawang laro.

Ang dating Ateneo star na si Jai Reyes ay umiskor ng 21 puntos na may kasamang 11 rebounds at limang assists para sa Heroes ni coach Alex Angeles.

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with