PSL 139th Series lalarga sa Ormoc
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang Philippine Swimming League (PSL) sa pagtuklas ng mga bagong talento sa pag-arangkada ng 139th PSL National Series – Short Course Swimming Meet ngayong umaga sa Sembrano Aquatic Center sa Ormoc City, Leyte.
Ang torneo ay magsisilbing seleksiyon upang makapili ng mga swimmers na isasabak sa mga international tournaments kabilang na ang World University Games sa Naples, Italy sa susunod na taon.
“PSL is very much occupied with our developmental process. We are exposing swimmers not only in our monthly competition but also in international level. We want these kids to experience competing against their foreign counterparts to further hone their skills,” ani PSL President Susan Papa.
Bibigyan ng medalya ang tatlong mangunguna sa bawat age band habang nakaabang naman ang tropeo para sa tatanghaling Most Outstanding Swimmer sa bawat dibisyon.
Ang PSL ay galing sa matagumpay na pagtataguyod ng 138th PSL National Series sa San Jose Pili sa Camarines Sur kung saan nakadiskubre ang asosasyon ng tatlong bagitong swimmers na ipadadala nito sa Singapore. (CCo)
- Latest