^

PSN Palaro

3 Pinoy cue master pasok sa 4th round

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong Pinoy cue masters ang umusad sa fourth round ng 2018 World Pool Series – Rasson 10-Ball Masters Championships na ginaganap sa Steinway Billiards sa New York City.

Umariba agad sina da­ting world champion Dennis Orcollo, Alex Pagulayan at Lee Vann Corteza para manatiling malinis ang kanilang record sa torneong may nakalaang $8,000 sa magkakampeon.

Tangan ang opening-round bye, sunud-sunod na iginupo ni Orcollo sina Fedor Gorst ng Russia sa second round (11-6) at dating world titlist Ralf Souquet ng Germany sa third round (11-6).

Sasargo si Orcollo sa fourth round laban kay Shane Van Boening ng Amerika na nagtala ng 11-5 panalo sa kababayang si Shaun Wilkie,

Pasok sa fourth round si Pagulayan nang igupo nito sina Hunter Lombardo ng Amerika (11-9) sa second round at Kaci Klenti ng Albania (11-6) sa third round).

Umani ng first-round bye si Pagulayan.

Hataw din si Corteza na nagtala ng 11-3 pa­nalo laban kay Ehmunrao Toocaram ng Mauritius sa first round bago pinataob ang beteranong sina Pinoy cue master Ronnie Alcano sa second round (11-2) at dating world champion Mika Immonen ng Finland sa third round (11-8). (CCo)

2018 WORLD POOL SERIES

RASSON 10-BALL MASTERS CHAMPIONSHIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with