^

PSN Palaro

Elite ‘di isusuko ang laban vs E-Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:30 p.m.  Blackwater vs Rain or Shine

7 p.m. Meralco vs Phoenix

MANILA, Philippines — Bagama't naitala ang kauna-unahang panalo ay aminado si coach Bong Ramos na wala na sa mga kamay ng Blackwater ang tsansang makamit ang pang-walo at huling tiket sa quarterfinal round.

“Wala na ito sa amin,” sabi ni Ramos matapos ang 86-84 paglusot ng Elite laban sa Magnolia Hotshots noong Miyerkules. “Alam ko naman na  saling-pusa na lang kami rito, nanggugulo na lang kami. But we are not resting.”

Lalabanan ng Blackwater ang Rain or Shine nga­yong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng Meralco at Phoenix sa alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa bitbit na 1-7 baraha ay halos wala nang pag-asa ang Elite na makasama sa eight-team quarterfinals cast ng torneo.

Ngunit hindi isusuko ng Blackwater ang natitira nilang mga laro, ayon kay Ramos, pumalit kay Leo Isaac.

Hangad naman ng Rain or Shine ang kanilang ikaapat na sunod na panalo para pormal na makopo ang quarterfinals seat at makalapit sa Top Two seat.

Sa ikalawang laro, hangad naman ng Bolts na mapatibay ang kapit sa ikaapat na puwesto sa pagharap sa Fuel Masters.

Nagmula ang Meralco sa 93-82 panalo laban sa Ginebra habang nakalasap ang Phoenix ng 94-106 talo sa nagdedepensang San Miguel sa kanilang mga huling laro.

vuukle comment

COACH BONG RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with