^

PSN Palaro

Anak ng magsasaka umagaw ng eksena

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Anak ng magsasaka umagaw ng eksena
Ang record-brea­king per­formance ni Evangeline Caminong.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Nasungkit din ni national team member John Albert Mantua ang kanyang ikalawang gintong medalya matapos magwagi sa men’s discuss throw kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 Ayala-Philippine National Open Invitational Athletics championships sa Ilagan City Sports Complex sa Isabela.

Umukit si Mantua ng 46.45 metro para angkinin ang ginto sa discuss throw kasunod ng kanyang pa­nalo sa shotput sa unang araw ng kumpetisyon.

Nakuha naman ni RP teammate Rogelio de Borja (37.65-m) ang silver medal at inuwi ni Mark Anthony Talisay ng La Union (36.18-m)  ang bronze medal.

Samantala, nagtala ng panibagong record sa juniors division si 17-anyos Evangeline Caminong ng Dasmariñas City East Integrated High School makaraang magposte ng 1.71 metro sa girls high jump.

Sumali si Caminong, anak ng isang magsasaka, sa girls heptathlon kung saan nahigitan niya ang da­ting 1.69 metro ni Kaylene Mosqueda sa high jump sa ginawang PSC-PATAFA weekly relay noong 2016.

Dahil sa kanyang record-breaking performance, makakatanggap si Caminong ng mahigit P20,000 bilang incentives.

“Gustong-gusto ko po mapasama sa national team dahil iyon po ang pride na mabibigay ko sa pamilya ko na nagtiis pong mahiwalay ako sa kanila,” sabi ni Caminong na linisan ang kanyang hometown sa San Vicente, Palawan para tanggapin ang athletic scholarship sa Manila.

Sa men’s triple jump, nanalo naman si 2017 Southeast Asian Games silver medalist Mark Harry Diones (15.93-m).

2018 AYALA-PHILIPPINE NATIONAL OPEN INVITATIONAL ATHLETICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with