EL Joshua kampeon ng 9th Le Tour de Filipinas
MANILA, Philippines — Hindi na binitiwan pa ni EL Joshua Cariño ang liderato tungo sa pag-angkin sa titulo ng 2018 Le Tour de Filipinas kahapon upang maging ikatlong Filipino rider na nagkampeon sa preshistiyosong karera sa loob ng siyam na taon.
Bagama’t tumapos na ikatlo sa huling 154.65-km. Stage 4 na karera mula Lingayen, Pangasinan na nagtapos sa Baguio City, sapat ang naipong oras ni Cariño para makopo ang korona.
Si Metkel Eyob ng Terrenganu Cycling Team ng Eritrea ang nakakuha sa Stage 4 plum ngunit hindi sapat ang kanyang naipon tiyempo para agawin ang overall championship crown mula kay Cariño.
Bunga ng panalo, kasama na si Cariño nina Baler Ravina (2012) at 2014 champion, Mark Galedo bilang tanging Filipino na nagwagi sa UCI-sanctioned race sa Pilipinas.
Pagdating ni Cariño sa finish line, taas noong itinaas nito ang dalawang kamay simbolo ng tagumpay sa 2018 edisyon ng Le Tour.
“Noong nadoon ako, iba na yung padyak ko eh. Bawat padyak, may kaba talaga, kasi ayoko rin naman ipahiya yung mga Filipino na umaasa sa akin,” sabi ni Cariño.
Nakuha rin ng Navy team ang group classification honor sa oras na 37:21:41 mahigit pitong minuto at 56 segundo ang layo mula sa 7-Eleven team na nagtala ng 37:29:37.
- Latest