CDO fighters nagdomina sa PSC-Pacquiao Cup
DAVAO CITY , Philippines — Dinomina ng Cagayan de Oro City ang PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup Mindanao Finals matapos sumuntok ng 10 gold at isang silver medal sa Almendras Gym Davao City Recreation Center noong Miyerkules.
Nagtala si John Paul Panuayan ng referee-stopped-contest (RSC) sa huling 25 segundo ng second round para talunin si Kidapawan City entry Jan Reyan Daperan sa kanilang youth boys lightweight division clash.
Kumuha din ng gintong medalya sina John Ignatius Macas, Kim Bryan Cabrillos, John Erl Palivino, Mark Lester Durens, Jessa Lycca Caranagan and Elaide Pamisa at Dave Bryan Caspe sa kanilang mga dibisyon.
Nagtala si Macas ng unanimous 5-0 win laban kay Jobert Paala ng Sultan Kudarat sa youth boys flyweight finals bout na inorganisa ng PSC at Philippine Sports Institute (PSI).
- Latest