^

PSN Palaro

Bolts pinahinto ang Columbian Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts pinahinto ang Columbian Dyip
Pinuwersa ni Columbian import CJ Aiken si Arinze Onuaku ng Meralco.
(Kuha ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Halos apat na araw namalagi sa ospital si import Arinze Onuaku.

Ngunit hindi ito nakita sa kanyang hinakot na 30 points, 19 rebounds at 4 blocks para tulungan ang Me­ralco sa 116-103 paggu­po sa Columbian Dyip sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Ara­­neta Coliseum.

“Hats off to Arinze. He’s been sick,” sabi ni Bolts head coach Norman Black sa 2016 PBA Best Import. “I was happy with his performance. He gives us what we lacked.”

Nadiskaril naman ang hangad na dalawang sunod na ratsada ng Dyip, nag­mula sa 126-98 paggi­ba sa Blackwater Elite no­ong Linggo.

Nag-ambag si Chris Newsome ng 18 points pa­ra sa Meralco kasunod ang 13, 12 at 11 markers ni­na Nico Salva, Canaleta at Dillinger, ayon sa pagka­kasunod.

Umiskor naman si import CJ Aiken ng 21 points pa­ra sa Columbian, naka­hu­­got ng tig-16 mar­kers ki­­na Carlo Lastimosa at Ra­shawn McCarthy.

Tumapos si Jerramy King na may 12 points ma­ka­raang kumamada ng 30 markers sa panalo ng Dyip la­ban sa Elite.

Bumangon ang Meralco mula sa 10-point deficit, 31-41, sa 8:32 minuto ng se­cond period para ilista ang 85-79 bentahe sa Columbian sa gitna ng third pe­­riod.

Ang three-point shot ni Canaleta ang nagbigay sa Bolts ng 11-point lead, 101-90, sa 6:02 minuto ng fi­nal canto .

ARINZE ONUAKU

COLUMBIAN DYIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with