^

PSN Palaro

Mojdeh maningning ang debut sa Palaro

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh maningning ang debut sa Palaro
Micaela Jasmine Mojdeh

VIGAN, Ilocos Sur, Philippines(via STI) — Eksaktong 100 gintong medalya para sa pang-15 sunod na dominasyon ang sinubi ng National Capital Region sa 60th Palarong Pambansa kahapon dito sa President Elpidio Quirino Stadium.

Nagsilbing ‘desert’ ng mga Big City athletes ang mga panalo sa secondary boys’ at girls’ basketball competition sa pagtatapos ng taunang sports meet.

Sa likod ng mga pla­yers ng NBTC champion at UAAP runner-up na National University Bullpups, pinulbos ng NCR cagers ang Davao, 100-80 sa se­­condary boys habang tinalo ng NCR girl’s team ang Western Visayas, 79-73 para angkinin ang gintong medalya.

Humakot ang mga NCR athetes ng kabuuang 100 gold, 70 silver at 50 bronze medals para angkinin ang overall championship.

Kumuha ang NCR ng 64-46-27 medalya sa se­condary at 36-24-23 naman sa elementary division.

Nasa ilalim ng NCR sa overall medal tally ang Region IV-A (55-50-73), Region VI (46-45-55), Region VII (26-25-36), CARAA (25-22-23), Region X (23-18-29), Region XII (21-26-32), Region III (21-21-24), Region XI (12-27-28), Region II (11-8-14), Region I (10-11-31), Region VIII (9-10-9), Region V (8-16-28), CARAGA (8-10-20), Region IV-B (5-12-12), Region IX (1-9-23) at ARMMAA (0-0-3).

Hinirang ang 11-anyos na si Micaela Jasmine Moj­deh bilang most beme­dalled athlete mula sa kanyang nilangoy na kabuuang anim na gold medal sa swimming pool.

Ang mga ito ay galing sa kanyang mga panalo sa girls’ 12-under 100-meter breaststroke, 100m butterfly, 50m butterfly, 200m individual medley, 4x50m at 4x100m medley relay events.

“Very happy po kasi first time ko lang pong su­mali rito sa Palarong Pambansa,” sabi ng Philippine  Swimming League standout at pambato ng Immaculate Hart of Mary College-Parañaque na tumanggap ng cash incentive na P10,000 bilang Best Swimmer sa elementary division.

Naghari rin ang NCR   sa secondary football nang itakas ang 1-0 panalo laban sa Region XII mula sa goal ni Kier John Napolitano sa injury time.

Humataw naman ang mga Big City athletes ng 7-1 dominasyon laban sa Region IV-B para angkinin ang ginto sa baseball habang inagaw ng Region IV-A sa NCR ang korona sa softball via 10-0 win.

60TH PALARONG PAMBANSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with