^

PSN Palaro

Jawbreakers, Revellers tatapusin na ang serye

FCagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian na walisin ang serye laban sa Akari-Adamson habang hangad naman ng Zark’s Burger-Lyceum na tapusin na ang pag-asa ng Marinerong Pilipino sa Game 2 ng best-of-three semifinal series sa 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kapwa tangan ng Che’Lu Bar Revellers at Zark’s Burger Jaw­breakers ang 1-0 bentahe sa serye matapos magwagi sa magkahiwalay na laban sa Game 1 noong Martes.        

Sinorpresa ng Che’Lu Bar Revellers ang Akari-Adamson, 70-60  para pa­ngunahan ang serye, 1-0 at hindi naman nagpahuli ang Jawbreakers ni coach Topex Robinson at tinalo ang Marinerong Pilipino, 90-87 para ihakbang ang isang paa tungo sa best-of-five finals.

Nakatakda ang engkuwentro ng Che’Lu Bar at Akari-Adamson sa alas-2 ng hapon bago papagitna ang sagupaan ng Zark’s Burger at Marinerong Pilipino sa alas-4 ng hapon.

Asahan na muling sa­san­dal si Zark’s coach Stevenson Tiu kina Jeff  Vier­nes, Cedrick Ablaza at Samboy de Leon para sungkitin ang unang finals slot.

“Sa mga ganitong level, ‘yung mga beterano naman talaga ang dapat asahan. Gusto nilang ibaba ‘yung tempo namin. We like to start strong and star fast and start aggressive, pero noong nag-zone sila, bumaba and energy namin. Kaya dapat kami ang mag-initiate sa tempo ng laro,” sabi ni Tiu.

Pero hindi isinasantabi ni Tiu ang posibleng pagba­ngon ng Akari-Adamson ni coach Franz Pumaren kung kaya’t walang puwang ang pagre-relax ng Revellers.

“I think my players really played terrible and inconsistently the whole game. We’re a little bit sluggish, a little bit rusty. But of course, that’s not an excuse,” ayon kay Pumaren.

 

AKARI-ADAMSON

ZARK’S BURGER-LYCEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with