^

PSN Palaro

Zark’s burger inupuan ang huling semis berth

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinayuko ng Zark’s Burger-Lyceum sa ikalawang pagkakataon ang Centro Escolar University, 82-77  kahapon para masungkit ang huling semifinal slot ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Binitiwan ng Zark’s Jawbreakers ang 21-5 run sa huling yugto para makuha ang karapatang lumaban sa Marinerong Pilipino sa best-of-three semifinals series simula sa Martes.

“I just reminded them to just enjoy the game and that gave them more freedom to play. It’s good they responded well,”sabi ni Zark’s coach Topex Ro­binson.

Umiskor si Jasper Ayaay ng 15 puntos na may kasamang apat na rebounds, limang steals at apat na blocks para sa malaking panalo ng tropa ni coach Robinson.

Kahit wala na ang top scorer ng Zark’s na si CJ Perez dahil sa limang fouls mahigit 4:54 pa ang natitira, hindi ito naging problema ni coach Robinson dahil sa pag-arangkada ni Ayaay.

“It’s good to be in the semis. We are excited,” ani coach Robinson na pinaghahandaan din ang pagbubukas ng 94th season ng NCAA ngayong Hunyo.

Bukod kay Ayaay, umani rin ng 17 puntos si Jayvee Marcelino at sampu naman mula sa kanyang twin brother na si Jaycee na may kasamang pitong assists at tatlong rebounds habang ang Ca­meroonian center na si Mike Nzeusseu ay nagtala rin ng 12 puntos at 16 rebounds para sa Jawbreakers.

Pinangunahan ng Congolese na si Rod Ebondo ang CEU sa kanyang 22 puntos at 16 rebounds at 16 puntos at 11 rebounds naman kay Art Aquino.

Ito ang unang pag­ka­kataon na hindi pumasok sa semis ang Scorpions makaraang tumapos na runner-up honor simula noong 2014 Foundation Cup.

2018 PBA D-LEAGUE

ZARK’S BURGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with