^

PSN Palaro

La Salle sisikwat ng insentibo vs Adamson

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(The Arena)

2pm DLSU vs ADU

4pm FEU vs UE

MANILA, Philippines — Tutudlain ng nagdedepensang De La Salle University ang unang twice-to-beat card sa pakiki­pagtipan nito sa Adamson University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magpapang-abot ang Lady Spikers at Lady Falcons sa alas-2 ng hapon na susundan ng duwelo ng Far Eastern University at University of the East sa alas-4.

Hindi matinag ang La Salle sa unahan ng stan­ding bitbit ang 10-2 rekord.

Kung mananalo ang Lady Spikers, pormal nitong masusungkit ang top seeding at twice-to-beat sa Final Four habang maiiwan sa Ateneo (9-4) at FEU (8-4) ang bakbakan para sa huling twice-to-beat card. Kalakip nito ang tuluyang pamamaalam sa kontensiyon  ng Lady Falcons.

Kaya naman inaasahan ang pukpukan sa pagitan ng La Salle at Adamson na parehong may misyon sa araw na ito.

Hangad ng Lady Spi­kers na makaresbak sa kanilang 18-25, 25-15, 19-25, 22-25 kabiguan sa Lady Falcons sa first round.

Mataas ang moral ng La Salle na nakasakay sa five-game winning streak sa second round dahil maganda rin ang inilalaro ng bataan ni coach Ramil De Jesus.

Nangunguna sa opensa sina Kim Kianna Dy at Desireee Cheng katuwang sina reigning MVP Majoy Baron at Aduke Ogunsanya.

“Sobrang crucial ng remaining two games namin dahil at stake sa game namin versus Adamson yung No. 1 seed and twice-to-beat.  Sa last game namin versus Ateneo, yung pride ang paglalabanan dun,” wika ni Dy na Season 78 Finals MVP.

Kailangan din nina playmaker Michelle Cobb at libero Dawn Macandili na maging consistent upang makabuo ng solidong play para sa kanilang hitters.

Sa kabilang banda, inaasahang ibubuhos na ng Lady Falcons ang buong lakas nito upang manatili sa kontensiyon.

Wala nang puwang ang anumang pagkakamali sa Adamson (5-7) dahil kung matatalo ito sa La Salle, awtomatikong uusad sa Final Four ang National University (7-6).

Hahataw para sa Lady Falcons sina Jema Galanza, Mylene Paat at Christine Soyud na siyang mga na­nguna nang talunin ng tropa ang Lady Spikers sa first round.

UAAP SEASON 80 WOMEN’S VOLLEYBALL TOURNAMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with