^

PSN Palaro

Dela Cruz pumana uli ng ginto

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Paul Marton Dela Cruz ng Philippine national team ang kanyang ikalawang gintong medalya matapos magwagi sa Olympic round ng individual men’s compound event sa 2018 Asia Archery Cup Stage 2 kahapon sa Rizal Memorial Baseball field sa Malate, Manila.

Tinalo ni Dela Cruz si Chen Hsiang-Hsuan ng Chinese-Taipei, 10-9 sa shoot-off ng naturang event.

Nangyari ang shoot-off makaraang magtabla sila sa143 puntos matapos ang 30 arrows.

Matindi rin ang pinag-daanan ni Dela Cruz bago umabot sa finals.

Nagwagi si Dela Cruz sa Chinese Taipei bet na si  Pan Yu Ping sa second round, 144-140 at sinundan ng panalo laban sa isa pang Taiwanese  na si Lin Hsin-Min sa quarterfinals bago talunin si Aman Saini ng India, 148-146  sa semis.

Ang unang gintong medalya ng 31-anyos na si Dela Cruz ay sa individual men’s compound qualification noong Sabado na nagbigay sa 2014 Asian Games bronze medalist ng top seed at first round bye sa Olympic round.

Umiskor siya ng kabuuang 704 puntos mula sa 354 sa first round at 350 sa second round para tumabla kay Lin Che-Wei ng Taiwan ngunit nakuha ng Filipino archer ang pa­nalo dahil mas marami pa siyang arrows sa 10 at X rings, 57-46.

Ang iba pang miyembro ng national team ay sina Kareel Hongitan, Nicole Tag­le, Pia Bidaure and Ferimi Bajado (recurve women) at  Amaya Paz-Cojuangco, Jennifer Chan, Andrea Robles at Rachell Dela Cruz (compound women).

AUL MARTON DELA CRUZ

PHILIPPINE NATIONAL TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with